0-9
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z
Preparing link for download, please wait 5 seconds
Download file
Donate
Favorite
Version 1
Text
Youtube
'Wag kang mabahala
Ikaw ay mahalaga
Hindi kita pababayaan

Hindi ka naiiba
At sana'y paniwalaan
Na pipiliin ka araw-araw

At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig

At hindi ko maipapangako ang kulay rosas
Na mundo para sa 'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang muling ipagmalaki
Na ika'y isang Pilipino

'Wag kang matatakot
May kasangga ka sa laban na ito
Sabay nating gisingin ang nasyon

At alam ko ang aking kaya, alam ko ang hindi
Alam ko ang kailangan upang makapagsilbi
Hangga't may kabutihan, hangga't may pag-ibig
Liwanag ang mananaig

At hindi ko maipapangako ang kulay rosas
Na mundo para sa 'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
Hangga't hindi mo pa magawang muling
Ipagmalaki na ika'y isang

Pilipinong may pusong sagutin ang tugon
Pilipinong may tapang na muling bumangon
Pilipinong buo ang paninindigan
Alam ang tama at totoo
Samahan mo ako

At hindi ko (at hindi ko) maipapangako ang kulay rosas
(Kulay rosas) na mundo para sa 'yo
At hindi ko maiilawan ang lahat ng anino (oh, oh, oh, oh)
Pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga

Hangga't hindi mo pa magawang muling
Ipagmalaki na ika'y isang matatag at matapang
At mabuti at mapagmahal na Pilipino
Pilipino, Pilipino

Other sheets by the author